Mahigit dalawang buwan na mula ng nagbukas ang aming ospital. Ayos naman, dahil paunti unti nagkaka kaso na kami. Dumadami na. Halos araw araw may kaso na kami, yun nga lang minsan pa isa isa o kaya pa dalawa dalawa!
At sa dami naming OR nurses, talagang hati hati sa gagawin. Ang mga senior dapat magbigay sa mga junior na sila na muna ang makapag scrub para matuto din. Maswerte ako kasi nakak ilang kaso na rin ako. Nakapito na ata ako samantalang yung iba isa pa lang ata. Tinatakda lang rin naman kami sa aming trabaho kung kaya't hindi ko kasalanan yun kung bakit ako ang laging naka deck!
Defensive? He He.
Kanina nabigyan ako ng pagkakataong makapag 1st scrub sa isang minor case lang. Wound debridement and wound suturing. Ang sarap ng feeeling kasi syempre ako yung first tapos ang chill lang nun atmosphere. Tamang kaba lang nun nagsimula yung kaso. Tapos ang 2nd scrub ko pa ay yung kaibigan ko kaya no pressure, tulungan kaming dalawa talaga.
Mga ganung kaso kasi ang gusto ko. Yung mga instruments ay yung normal lang! He He! Nun isang araw, ako ay nag assist sa Arthroscopic ACL. Nakuuu po! Sakit sa ulo nung mga instruments. Ako dapat ang 1st scrub pero dahil yun yung first ortho case ko at first video assisted case ko din, halos dumugo ilong ko sa mga gamit. Buti na lang kasama ko yung hospital tech namin at siya na ang nag take over. Thank God...pero hindi fulfilling yung pakiramdam. PArang ang useless ko nun kasi mostly observe ang nagawa ko....
Pero thankful din ako at ako ang nalagay dun at least nakita ko na pano gingawa yun. May idea na ako, next time hindi ako clueless. May super bloopers din akong nagawa during that case. Mejo horror kasi yung surgeon na nag opera. Bigtime itong doctor na ito dahil siya ang pinakamagaling at pinkamabilis gumawa ng ACL. Kilala din siya sa OR dahil panay babae ang gusto niyang scrub (at sikat siya dahil lagi niyang tinatanong sa scrub niya kun virgin pa ito) Anyway, ang super bloopers ko ay kasi ang doktor na ito ay kaparehas niya ng apelido yung manager namin, at nun tinanong niya sa akin kung kilala ko ba siya, sabi ko withouth any hesitation, ang pangalan ng manager namin! At hindi pa dun nagtatapos, binubulong na sakin nun hospitalist yun pangalan, mali pa yun dinig ko. Buti na lang good mood si doc that day. Takot ko nun mali yun nasabi ko. Ewan ko ba bakit yun din ang nasabi ko! waah! sobrang gusto ko ng mag scrub out nun. heheh. Joke of the day tuloy ako sa buong OR!
Sa amin nga pala, parang bumubuo ng mga team na kung saan ka ihahasa. Hiwalay ang cardio at optha talaga so sa OR MAIN maari kang mapabilang sa neuro, GS, ortho, uro, ent and plastic. NAis ko sana sa GS or kaya sa ENT/plastic....hindi kasi ako nakapagsulat sa papel ng preference ko..sana alng wag ortho! Ayuko don, ayoko ng mga acl, meniscectomy....pero kun titingnan sa mga naging kaso ko, baka sa ortho ako malagay!! wwaaah!
Hanggang dito na alng muna siguro..tsaka nlng ulit ako magsusulat at magtatala ng aking mga karanasan sa loob ng OR. SAna patuloy na dumami ang aming mga kaso para Rock n Roll na!! ^-^