October 10th, 2008
after more than a year
its been almost more than a year na rin...
ang bilis ng panahon at marami nang nangyari sa buhay ko...
i need to sit down first to reflect..sa sobrang bilis ng panahon eh di ko na namalayan na patapos na ang 1st sem ng 5th year ko sa SLCN..
naging cum laude ako...di ko naman inasam yun
naging top 10 (out of ++60,000) ako sa Phil. Nurse Board Exam..di ko rin naman inasam yun
ngayon..titser ako ng anatomy (ang subject na kumakatay sa mga 2nd yr ng SLCN) ...bilis talga ng panahon
marami akong nakilala..bagong muka..karamihan sa kanila mga students...dati student din ako..kaso ngayon ndi na..pero sa jeep..student pa rin bayad ko hehehe
nagpapasalamat ako sa section ko sa HAP LAB (2NU22 at 2NU25)
sana may natutunan sila sa akin...kasi...marami akong natutunan din sa kanila..iba pala ang pagtuturo..mahirap din pala sya..
ang tanong sa akin? magiging NARS ka ba talga?
ang sagot ko..OO...
pero hinay hinay lang muna ako...di naman ganun kabilis mag apply sa ospital lalo na sa sitwasyon ng Bansa ngaun..hayaan ninyo..tatapak din ako sa ospital...magsisilbi, magbebedside at magnu-nurses notes.
pangako ko muna sa sarili ko..medyo pahinga muna ako...take time to enjoy life tutal..reward ko na ito sa sarili ko para sa "unintentional-job-well-done performace" ko
yun lang muna sa ngaun...